MANILA, Philippines- Nagliyab ang residential area sa Taguig nitong Sept. 6, na nagresulta sa P500,000 halaga ng pinsala sa mga pagmamay-ari.
Ayon sa Taguig City Fire Station, nag-umpisa ang apoy bandang alas-9:14 ng umaga sa No. 93 N.P. Cruz St. Ibayo sa Barangay Ususan.
Itinaas ang first alarm pagsapit ng alas-9:26 ng umaga bago tuluyang naapula dakong alas-10 ng umaga.
May kabuuang 15 tahanan at 30 pamilya o 97 indibidwal ang apektado ng sunog. Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay subalit iniimbestigahan pa ang mita nito. Wala namang nasaktan sa insidente.
May kabuuang walong fire trucks at dalawang ambulansya ang rumesponde sa sunog. RNT/SA