Home NATIONWIDE 15 baril buking sa lalaking papasok sa Camp Crame!

15 baril buking sa lalaking papasok sa Camp Crame!

233
0

MANILA, Philippines- Arestado ang lalaking nagpakilala bilang dating pulis matapos madiskubre ang kanyang handguns at shotguns sa loob ng kanyang sasakyan habang papasok siya sa Camp Crame sa Quezon City nitong Martes ng hapon.

Hindi tinukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng naarestong suspek subalit base sa inisyal na impormasyon, nabuking ang 11 handguns at apat na shotguns ng mga pulis na nagbabantay sa Gate 2 ng Camp Crame nang sumailalim ang sasakyan ng suspek sa inspeksyon patungo sa loob ng kampo.

Namataan ang mga baril, ayon sa mga awtoridad, sa trunk ng Toyota Corolla Altis ng suspek.

Nadiskubre ang mga armas habang umiiral ang gun ban na nagsimula noong Aug. 28 bilang bahagi ng security measures para sa barangay elections.

Ipinagbabawal sa gun ban ang transportasyon ng firearms hangga’t walang permiso ng Commission on Elections .

Hindi malinaw kung bakit tinangka ng lalaking magdala ng 15 baril sa loob ng headquarters ng PNP subalit na dinala siya at kanyang sasakyan sa Headquarters Support Service (HSS) office sa Camp Crame. 

Kalaunan ay dinala siya sa opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa masusing imbestigasyon. RNT/SA

Previous articleWPS patrols paiigtingin ng PAF sa bagong surveillance aircraft mula US
Next articleDating parak na halos 3 dekadang nagtago, timbog!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here