Home NATIONWIDE 15 Katoliko sa Burkina church pinaslang!

15 Katoliko sa Burkina church pinaslang!

Ouagadougou, Burkina Faso- Nasa 15 sibilyan ang pinaslang habang dalawa ang sugatan sa “terrorist” attack sa isang Catholic church sa isang misa sa northern Burkina Faso nitong Linggo, ayon sa senior church official.

“We bring to your attention a terrorist attack which the Catholic community of Essakane village was the victim of today, February 25, while they were gathered for Sunday prayer,” ayon sa vicar ng Dori diocese na si Jean-Pierre Sawadogo.

Kinondena ni Sawadogo “those who continue to wreak death and desolation in our country”.

Matatagpuan ang Essakane village, kung saan naganap ang pag-atake, sa “three borders” zone sa northeast na bahagi ng bansa, malapit sa common borders ng Burkina Faso, Mali at Niger.

Ito ang pinakabago sa serye ng mga karahasan na isinisisi sa jihadist groups na aktibo sa rehiyon, kung saan target nf ilan sa mga ito ang Christian churches.

Parte ang Burkina Faso ng Sahel region, na matagal nang nakikipaglaban sa umiigting na violent extremism mula nang sumiklab sa Libya ang civil war noong 2011, na sinundan ng Islamist takeover sa northern Mali noong 2012. RNT/SA

Previous articleKapayapaan muling inihirit ni Pope Francis
Next articleP4.3M marijuana winasak sa Ilocos Sur, La Union