Home NATIONWIDE 15 marinerong Pinoy sa inatakeng vessel sa Red Sea, ligtas

15 marinerong Pinoy sa inatakeng vessel sa Red Sea, ligtas

MANILA, Philippines – Ligtas ang 15 Filipino seafarers na sakay ng container ship na inatake sa Red Sea, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Disyembre 16.

Sinabi ng officer-in-charge ng DMW na si Hans Cacdac na ang Al Jasrah vessel “was the subject of a drone attack” nitong Biyernes.

“All 15 [Filipino] seafarers on board the container ship Al Jasrah are safe and unharmed,” ani Cacdac sa post nito sa X, na datingTwitter.

Ayon sa United States Central Command, inatake ng Iran-backed rebel group na Houthis ang Al Jasrah at isa pang commercial ship na may bandila ng Liberia.

Ang Al Jasrah vessel ay “immediately broadcast a mayday signal that said the crew was fighting a fire caused by the attack.”

Sinabi ng US CENTCOM na naapula ang apoy at walang naiulat na pinsala sa alinman sa mga sinalakay na barko. RNT

Previous articleDahil sa pambu-bully, lalaki tinaga at sinaksak ng kababata
Next articleLotto Draw Result as of | December 16, 2023