15 pang health care workers, sapul sa COVID-19

15 pang health care workers, sapul sa COVID-19

May 28, 2020 @ 6:43 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Patuloy na bumubuti ang situwasyon ng mga health care worker sa bansa matapos na wala pa ring naidadagdag na nasawi sa kanilang hanay dahil sa coronavirus disease.

Sa isinagawang virtual presser ng Department oh Health ngayong araw, sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na nanatili pa ri sa 31 ang bilang ng mga pumanaw sa hanay ng health care workers dahil sa COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na nadagdagan pa ng 15 kumpirmadong kaso sa hanay ng medical frontliners ang nasapul sa COVID-19 dahilan para umakyat na sa 2,452 kaso ang naitatala sa bansa.

Ayon kay Vergeires, mayroon ding 15 gumaling sa sakit dahilan para umabot na sa 1,228 ang mga HCWs na nakarekober.

Ang mga active cases naman ay nasa 1,193 na ayon may Vergeire ay patuloy na tumataas ang COVID-19 survivor sa hanay ng mga HCWs.

Patuloy din aniya ang pagbaba ng kaso mula pa Abril 11 base sa posisyon ng HCWs at onset of illness. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...