Home NATIONWIDE 15 patay sa sunog sa China

15 patay sa sunog sa China

CHINA – Patay ang 15 katao at 44 ang sugatan sa sunog na sumiklab sa residential building sa Nanjing, China.

Ang sunog ay nagsimula Biyernes ng umaga, Pebrero 23, kung saan sa paunang imbestigasyon ay napag-alaman na nagsimula ang sunog sa unang palapag ng gusali kung saan nakalagay ang mga electric bike.

Naapula ang sunog alas-6 ng umaga at nagtapos ang search and rescue operation bandang alas-2 ng hapon.

Dinala na sa ospital ang 44 sugatan.

Naganap ang sunog sa Yuhuatai district ng Nanjing, kung saan mayroon itong mahigit walong milyong populasyon. RNT/JGC

Previous articleNPA sinupalpal sa pagkamatay ng Bar passer sa Bohol
Next articleP5M marijuana nasabat sa checkpoint