Home NATIONWIDE 1,523 dagdag-kaso ng COVID naitala

1,523 dagdag-kaso ng COVID naitala

167
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang
Department of Health nitong Miyerkules, Mayo 24, ng 1,523 bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito ay umakyat na sa 4,131,790 ang nationwide tally nito.

Kasabay nito, tumaas din sa 15,593 ang aktibong kaso ng sakit.

Tumaas din ang bilang ng recovery sa 1,253 nadagdag na gumaling, o 4,049,731 sa kabuuan habang ang death toll naman ay nananatili sa 66,466.

Advertisement

Nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 9,572, sinundan ng Calabarzon sa 5,622; Central Luzon sa 2,144; Western Visayas sa 1,494; at Bicol Region sa 894.

Nasa 22.2% naman ang COVID-19 bed occupancy sa bansa sa 5,680 okupado at 19,926 bakanteng kama. RNT/JGC

Previous articleMastermind sa Percy Lapid Case!
Next articleTAMBAL0SL0S SA SENAD0?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here