Home NATIONWIDE 1,543 iligal na paputok nasamsam sa Bocaue

1,543 iligal na paputok nasamsam sa Bocaue

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 1,543 illegal fireworks products mula sa apat na retail store sa Bocaue, Bulacan nitong Huwebes, Disyembre 21.

Sinabi ng ahensya na naglabas sila ng notice of violations sa apat na kumpanya para sa pagbebenta ng mga paputok na hindi sakop ng Philippine Standard (PS) license at para sa paggamit ng hindi tamang PS mark.

Paliwanag ng ahensya, habang may marka ng PS ang mga nasamsam na paputok, hindi ito kasama sa listahan ng mga paputok na pinapayagang gawin at ibenta sa bansa. Ang mga lumabag ay binigyan ng 48 oras para ipaliwanag ang kanilang hindi pagsunod sa batas.

“As of 13 December 2023, there are 15 local brand names and their corresponding manufacturers listed with PS-license, including 4Sure Fireworks, A. Santiago Fireworks, Andy’s Fireworks, Double L, Dragon Fireworks, Diamond, LF Fireworks, LLF, Maribel Sta. Ana Fireworks, Nation, Pegasus, Phoenix, Star Light, Yangco Fireworks, and JPL Fireworks,” ayon sa ahensya.

Pinaalalahanan ni DTI Assistant Secretary Amanda Marie Nograles ang mga mamimili na i-verify ang mga label ng produkto sa pyrotechnics, na dapat may kasamang PS mark na may valid license number. RNT

Previous articleRoxas Blvd-EDSA flyover northbound sarado sa Dis. 26-30
Next articleMaintenance schedule ng Meralco, alamin!