Home NATIONWIDE 1,594 pasado sa Feb. 2024 master plumbers licensure examination

1,594 pasado sa Feb. 2024 master plumbers licensure examination

MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate ng University of Mindanao-Davao City sa February 2024 master plumbers licensure examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 1,594 sa 3,594 ang nakapasa sa pagsusulit, na ibinigay ng Board for Master Plumbers sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, at Tacloban nitong buwan.

Nakuha ni Arllan Feoj Arnaiz Santillan ang pinakamataas na score sa 88.80%, habang ang best-performing school ay ang De La Salle University Manila, kung saan 14 sa test takers nito ang nakapasa. RNT/SA

Previous articleKelot timbog sa pagsunog ng pera
Next articleHustisya para sa Mindoro oil spill victims hirit ng CBCP