Home METRO 15K tanim na marijuana sa Sulu, sinunog

15K tanim na marijuana sa Sulu, sinunog

SULU- TINUTUGIS ngayon ng mga awtoridad ang dalawang suspek na may-ari ng 15,000 puno ng marijuana na nakatanim matapos makatakas sa isinagawang operasyon, kaninang umaga, Pebrero 27 sa probinsyang ito.

Kinilala ni director Gil Cesario Castro, ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang mga suspek na sina Rene Onji at Amah Jul Onji, ng Barangay Masjid Punjungan, Kalingalan Caluang, Sulu.

Sinabi ni Castro, inilatag ng mga ahente ng PDEA-BARMM, kasama ang mga tauhan ng Sulu Provincial Police Office at 21st Infantry Battalion ng Philippine Army laban sa mga suspek.

Subalit, mabilis na nakatakas ang mga ito matapos makatunog na mga pulis ang kanilang katransaksyon.

Sa isinagawang paglilibot ng mga operatiba sa liblib ng nabanggit na lugar, bumalandra sa kanilang harapan ang 15,000 na iligal na pananim na marijuana na aabot halagang P12.9 milyon.

Pinagbubunot naman ang mga pananim na marijuana saka sinunog.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleNegosyante patay sa lumipad na motorsiklo
Next articlePBBM sa League of Municipalities: Be bold, be brave, be grand sa Bagong Pilipinas