Home METRO 16 empleyado ng slaughterhouse sa Cebu, nagpositibo sa drug test

16 empleyado ng slaughterhouse sa Cebu, nagpositibo sa drug test

MANILA, Philippines – Labing-anim sa 77 empleyado mula sa Lapu-Lapu City Slaughterhouse ang nagpositibo sa illegal na droga.

Ito ang kinumpirma ni Garry Lao, executive director ng City of Lapu-Lapu Office for Substance Abuse Prevention (CLOSAP).

Sinimulan ng CLOSAP ang drug testing para sa mga empleyado ng Slaughterhouse noong Pebrero 8.

Aktibong isinasagawa ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan ang pag-aalis ng mga drug user sa mga empleyado ng City Hall.

Nitong Biyernes, nagsagawa rin ng surprise drug test ang CLOSAP sa mga empleyado ng City Hospital.

Bago rito, nagsagawa ng surprise test sa mga manggagawa ng Barangay Ibo at empleyado ng Motorpool.

ANim naman ang nagpositibo sa drug test na ito, dalawa ang mula sa city hospital, tatlo sa Barangay Ibo at isa mula sa Motorpool. RNT/JGC

Previous articleChinese community may mahalagang ambag sa kasaysayan ng Pilipinas – DOT chief
Next articleFlexible Constitution kailangan para makasabay sa global trends – Angara