Home NATIONWIDE 16 sinagip sa nagka-aberyang bangka sa GenSan

16 sinagip sa nagka-aberyang bangka sa GenSan

107
0

MANILA, Philippines – Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 indibidwal na sakay ng motorbanca nang makaranas ng engine trouble sa baybaying bisinidad ng Barangay Tambler, General Santos City.

Sa ulat ng PCG, ang MB KENT PAUL, nasiraan ang motorbanca dahil sa malalaking alon at malakas na hangin habang naglalayag mula Balut Island sa General Santos City.

Ang may-ari ng naturang motorbanca ayon sa PCG ang tumawag ng rescue assistance

Ang PCG team naman ay nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation at dinala ang mga pasahero sa Purok Puting Bato, Barangay Calumpang, General Santos City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHoarder ng sibuyas, bawang ipakukulong ni Romualdez
Next articleUP professor dinakip sa loob ng campus