Home METRO 16 sugatan sa sumalpok na jeep sa puno sa Rizal

16 sugatan sa sumalpok na jeep sa puno sa Rizal

MANILA, Philippines – Sugatan ang 16 na katao matapos sumalpok ang isang jeep sa puno sa Angono, Rizal nitong Martes ng gabi, Disyembre 26.

Ayon sa mga awtoridad, galing-Taytay ang jeep at patungo sanang Binangonan nang mangyari ang aksidente.

Sa salaysay ng drayber, mayroon umano siyang nakagitgitan at may tumama sa gilid ng kanyang sasakyan dahilan para mapakabig ito at bumangga sa puno.

Pawang minor injuries ang tinamo ng 13 sa mga pasahero.

Nasugatan naman sa mata ang isang 15-anyos na binatilyo, at isa ang nawalan ng malay.

Nahaharap ang drayber sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries. RNT/JGC

Previous articleLalaking nagpanggap na dadalaw sa ‘fake wife’ sa Macau hinarang ng BI
Next articleAirport employee arestado sa pag-eskort sa 3 biktima ng human trafficking sa NAIA