Home NATIONWIDE 160 bata namamatay kada araw sa Israel-Hamas war – WHO

160 bata namamatay kada araw sa Israel-Hamas war – WHO

ISRAEL – Nasa average na 160 bata ang pinapatay araw-araw sa Gaza kasunod ng patuloy na pag-atake ng Israel sa loob ng isang buwan, sinabi ng World Health Organization (WHO).

“An average of about 160 children are killed every day based on the figures of the (Palestinian) Ministry of Health,” sinabi ni WHO official Christian Lindmeier sa UN briefing sa Geneva.

Inulit ni Lindmeier ang “kagyat na pangangailangan” para sa isang makataong paghinto ng putukan upang maibsan ang pagdurusa.

Ang Gaza Strip ay nasa ilalim ng pambobomba mula nang maglunsad ng sorpresang opensiba ang Palestinian group na Hamas laban sa Israel noong Oktubre 7.

Hindi bababa sa 10,022 Palestinians, kabilang ang 4,104 mga bata at 2,641 kababaihan, ay napatay mula noon.

Samantala, ang Israeli death toll, ay halos 1,600, ayon sa opisyal na bilang.

Sinabi ni UN chief Antonio Guterres na ang Gaza ay nagiging libingan para sa mga bata dahil daan-daan ang pinapatay o nasusugatan kada araw. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleJoyful Christmas Store
Next articleTransgen Catholics pwedeng bawtismuhan – Vatican