Home METRO 160K pasahero dumagsa sa PITX

160K pasahero dumagsa sa PITX

MANILA, Philippines – Mahigit 100,000 pasahero ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 22, 2023.

“Actually kagabi, just to let you know, nag-160,000 ang foot traffic…,” pagbabahagi ni PITX corporate affairs officer Kolyn Calbasa sa panayam ng DZBB nitong Sabado.

Hanggang nitong umaga, sinabi ni Calbasa na marami pa rin ang mga pasaherong dumadagsa sa PITX.

“We are still ready hanggang sa makauwi na ang lahat,” aniya.

“Inaasahan natin na papalo pa rin ng 100,000 ang mga pasahero. Pero definitely mas kaunti na kumpara kagabi,” dagdag pa nito.

Naka-standby naman ang mga bus para tugunan ang dami ng mga pasahero.

“As of now, wala tayong untoward incident… Marami tayong mga nakumpisang sharp object, at flammable items na mahigpit na ipinagbabawal,” ani Calbasa. RNT/JGC

Previous articleMiyembro ng Cerilo Criminal Group inaresto sa sumpak
Next article5 menor de edad sinuwag ng FX, sugatan