Home NATIONWIDE 1,611 pasado sa December 2023 physical, occupational therapist board exams

1,611 pasado sa December 2023 physical, occupational therapist board exams

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes na 1,288 sa 1,884 ang pumasa sa Physical Therapist Licensure Examination na isinagawa nitong buwan.

May kabuuang 323 sa 554 din ang nakalusot sa Occupational Therapist Licensure Examination.

Nanguna si Ma. Angelica Faye Zapanta Dela Victoria ng Riverside College sa PT board exams na may rating na 89.70 porsyento.

Ikalawa naman si Ma. Barbara Tolentino Malaysay ng University of the Philippines Manila sa rating na 89.40 porsyento, habang ikatlo si John Sundiam Ramos ng University of Santo Tomas na nakakuha ng rating na 89.35 porsyento.

Kinilala ang UP Manila bilang top performing school na may passing percentage na 95.45 porsyento.

Para sa Occupational Therapists exam, namayagpag si Kizha Marie Sevidal Gabutan ng UP Manila na nakakuha ng rating na 85 porsyento.

Ikalawa naman si Eliakim Manlosa Booc ng Velez College ssa rating na 83.60 porsyento, habang ikatlo si Jaymi Kylle Lumapat Estacio ng Davao Doctors College Inc. sa rating na 83.20 porsyento. RNT/SA

Previous articleHigit 2,400 websites na sangkot sa e-sabong ops tinanggal ng PNP
Next articleBato sa publiko: Pagbalewala ng Tsina sa diplomatic protest ipagdasal