Home HOME BANNER STORY 161K arrivals naitala ng BI sa Christmas weekend

161K arrivals naitala ng BI sa Christmas weekend

MANILA, Philippines – INIULAT ng Bureau of immigration (BI) na umabot sa kabuuang 161,664 na pasahero ang dumating noong Christmas weekend.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na halos 81% ng mga pasahero ang dumating sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport.

Iniulat din ni Tansingco na 130,497 pasahero ang umalis mula Disyembre 23 hanggang 25.

Bago ang pandemya, nasa average na 55,000 araw-araw ang naitala ng BI sa dumarating sa buwan ng Disyembre.

Nagtala rin sila ng average na 47,000 na pag-alis noong Disyembre 2019.

“International travel is not just on a rebound,” ani Tansingco. “Figures show that the number of travelers are almost surpassing pre-pandemic numbers. It’s a cause for celebration for the tourism and international travel sectors,” dagdag pa ni Tansingco.

Nauna nang ibinahagi ng BI Chief na nagpatupad sila ng mga karagdagang hakbang upang matiyak ang mahusay na pagproseso ng pagdating at pag-alis ng mga pasahero sa peak season. JAY Reyes

Previous articlePaputok bawal sa Muntinlupa, QC
Next articleLalaki nang-catcall, patay sa bugbog sa Maynila