Home METRO 17-anyos timbog sa pagbebenta ng droga

17-anyos timbog sa pagbebenta ng droga

BACOLOD CITY – Arestado ng pulisya ang isang 17-anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Zone 6, Talisay City, Negros Occidental noong Linggo, Enero 14.

Sinabi ni Police Capt. Abegael Donasco, deputy chief ng Talisay City Police Station, na nakuha sa suspek ang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P32,500.

Dagdag pa ni Donasco na ilang buwan na nilang sinusubaybayan ang menor de edad kasunod ng mga pagbubunyag mula sa mga dating naarestong drug suspect at impormasyon mula sa komunidad tungkol sa kanyang mga aktibidad.

Sinabi niya na ang menor de edad ay naimpluwensyahan ng mga tropa na makisali sa paglalako ng droga.

Narekober sa kanya ang P500 marked money at P250.

Samantala, isang 18-anyos na lalaki ang arestado sa Barangay Balintawak, Escalante City, Negros Occidental dahil sa pag-iingat ng isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800 noong Enero 10. RNT

Previous articleVietnamese na nali-link kay Daniel, nagsalita!
Next articleTIGNAN: Nationwide protest caravan vs PUV modernization