Home HOME BANNER STORY 17 APPF countries nangako ng suporta sa UN Security Council election bid...

17 APPF countries nangako ng suporta sa UN Security Council election bid ng Pilipinas

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang 17 member-countries ng Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) para sa pagtakbo ng Pilipinas sa pwesto sa UN Security Council para sa terminong 2027–2028, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sa press conference sa huling araw ng 31st APPF na ginanap sa Philippine International Convention Center, sinabi ni Zubiri ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pwesto ng Pilipinas sa UN body lalo na sa mga problema sa West Philippine Sea.

“Kapag may seat ka na sa security council, nandyan din ang China as a permanent member, and the superpowers are all there, of course, we can make an appeal,” aniya.

Sinabi rin ni Zubiri na magbibigay ng pagkakataon ang UN Security Council sa bansa na humingi ng tulong sa ibang bansa para pagaanin ang tensyon sa ilang mga rehiyon sa mundo.

“Ang pag-upo po natin diyan ay pag-apela sa mga kasamahan natin sa security council na…huwag sana mang-harass. Huwag sana manggulo. Huwag mam-bully, and a stronger voice in the UN,” sinabi pa ng Senate chief.

“If you’re only one member of the over 200 member-nations, almost 200 member-nations, it’s a lonely, quiet voice. But when you’re in the security council, kasama mo lahat ng superpowers, so malaking bagay yan,” dagdag pa niya.

Kasabay ng unang araw ng APPF, sinabi ni Zubiri at Speaker Martin Romualdez na mayroong 16 na bansa ang nagpahayag ng suporta sa bid ng Pilipinas sa UN Security Council election.

Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ilang mga bansa nga ang nagpahayag ng suporta para sa Pilipinas.

[The] Security Council is a principal organ of the UN, and the council is responsible for maintaining international peace and security. So lahat ng major problems of the world kino-consider ng security council. So, if we are on the council, we will have a voice in this issue, sa mga global issues,” ani Manalo noong Setyembre.

Aniya, ang kampanya ‘’manifests our desire to offer the best of the Philippine diplomatic tradition.”

Makakalaban ng Pilipinas ang Kyrgystan para sa naturang pwesto. RNT/JGC

Previous articleTindahan ng alahas sa Cebu nilooban ng 4 na nagpakilalang NBI agent
Next article2 patay, halos 1 milyong residente apektado ng shear line at LPA