OCCIDENTAL MINDORO- Sa tindi umano ng init na panahon na naranasan nitong Lunes ng hapon, nahimatay ang 17 estudyante ng Yapang National High School sa lalawigan ito.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, isinakay sa apat na ambulansya ang 17 estudyante at isinugod sa San Sebastian District Hospital sa bayan ng Sablayan.
Sinabi ni Sablayan Mayor Walter “Bong” Marquez, bandang aals-2 ng hapon ay nakatangap sila ng report hinggil sa hirap sa paghinga at pagkawala ng malay ng mga estudyante sa nabanggit na paaralan.
Paniwala ng pamunuan ng paaralan, posibleng dala ng matiding init ng panahon kahapon kaya paisa-isang nahimatay ang mga estudyante hanggang sa nagsunuod-sunod ang mga ito.
Nagkaroon din ng brownout sa paaralan kaya dumoble ang init na naranasan ng mga estudyante.
Agad naman gkinansela ng nasabing paarlaan ang klase kahapon at pinauwi ang mga estudyante sa kani-kanilang tahanan.
Ani, Marquez, hinihintay na lamang nila ang medical bulletin ng ospital para malaman ang dahilan kung bakit magkakasunod na nahimatay ang mga mga estudyante.
“Titingnan natin kung ano talaga yung findings ng mga doctor. Malimit daw itong mangyari mga isa o dalawang bata pero itong pagkakataong ito ay biglang dumami,” dagdag pa ng alkalde. Mary Anne Sapico