Home HOME BANNER STORY 17 Pinoy crew na bihag ng Houthi rebels ligtas – OWWA

17 Pinoy crew na bihag ng Houthi rebels ligtas – OWWA

MANILA, Philippines- Ligtas ang lahat ng 17 Filipino crew ng barkong Galaxy Leader, halos tatlong linggo matapos silang bihagin ng mga rebeldeng Houthi.

Ito ang garantiyang ibinigay sa mga kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas at manning agency at may-ari ng barko.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) Arnell Ignacio, bumibisita siya sa Filipino community sa Greece nang malaman niyang nasa Greece din ang mga matataas na opisyal ng manning agency, Sea Power, at Galaxy Leader ship owners.

Sa isang dayalogo, inihayag ng parehong ship owners at manning agency ang kanilang pag-aalala sa mga kapakanan ng mga crew at kanilang pamilya.

Nangako silang ipagpapatuloy ang pagbabayad ng sahod ng mga marino at dodoblehin pa ito, para matulungan ang mga pamilya na makayanan ang sitwasyon. Ang pagkain at mga suplay ay hindi dapat maging problema para sa mga tripulante dahil ang barko ay may sapat na mga probisyon. Hindi rin gusto ng mga Houthi na saktan ang mga tripulante.

Sinabi ni Ignacio na ang mahalaga ay walang indikasyon ng agresyon laban sa mga tripulante.

“Ang gustong i-emphasize ng mga counterparts naman natin sa Greece na itong mga kasama dito sa hostage taking eh parang pamilya na nila because they have been working with them for 28 years so kung kapamilya natin ‘tong nandon, kapamilya din nila yung nandon,” sabi ni Ignacio.

Sa bahagi nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang OWWA sa mga pamilya ng mga marino para magbigay ng kinakailangang suporta at impormasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleFace mask mandate sa public transport ‘di kailangan sa gitna ng banta ng ‘walking pneumonia’ – DOTr chief
Next articlePBBM kumpiyansa sa magandang hinaharap ng Pinas sa paghupa ng inflation