Home NATIONWIDE 17 Pinoy na nadakip ng Houti ‘di pa alam kung kailan palalayain

17 Pinoy na nadakip ng Houti ‘di pa alam kung kailan palalayain

MANILA, Philippines – Sigurado nang palalayain ang 17 Pilipinong hawak ng mga militanteng Houthi ngunit wala pa ring impormasyon kung kailan ito, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Nagpadala na ng team ang DFA sa Yemen para magbigay ng tulong sa mga marino at patuloy na negosasyon.

“Ang sinasabi lang sa amin ng contacts natin for sure ire-release sila, but it’s just a matter of how long. We can promise that they’re okay, because they’ve able to contact their families,” ani DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.

“The Houthis are adamant [right] now that [it is] not about money. They just want the Israeli operations against Gaza to end,” dagdag pa ni de Vega.

Nakasakay ang mga Filipino seafarer sa Bahamas-flagged vehicle carrier na Galaxy Leader, nang madakip ito ng Houthi sa Red Sea noong Nobyembre 19.

Sinalakay ng Houthi, isang grupong Islamista na nakabase sa Yemen, ang barkong pagmamay-ari ng Israel bilang suporta sa Hamas sa digmaan nito laban sa Israel sa Gaza.

Idineklara ng International Bargaining Forum ang southern area ng Red Sea at ang Bab El-Mandeb Strait bilang isang “High Risk Area” kasunod ng mga pag-atake ng missile ng Houthi sa isa pang container ship na patungo sa Saudi Arabia at isang pagtatangkang pag-atake ng drone sa Israel.

Inihayag ng Department of Migrant Workers na maaaring tanggihan ng mga marino ang mga trabahong mangangailangan ng pagdaan sa nasabing High Risk Areas.

“The idea is that we don’t want our seafarers to be forced to take that routes and instead they should be given other routes parang ganun, tingin ko ang sasabihin ng seafarers natin papayag sila kasi with higher pay pero mas importante yung buhay kasi aanuhin. ang mas mataas na sweldo kung dinakip ka naman kung hinuli kayo,” ani de Vega. RNT

Previous articlePagbagsak ng China rocket debris ibinabala ng PhilSa
Next articleDating kagawian sa Traslacion target ibalik sa 2024