Home METRO 18-anyos patay, 5 kasama sugatan sa banggaan ng motor

18-anyos patay, 5 kasama sugatan sa banggaan ng motor

NEGROS OCCIDENTAL – Patay ang isang 18-anyos habang sugatan ang limang kasama nito makaraang mabangga ang kanilang mga motorsiklo at tumilapon sa isang bakanteng lote sa Purok Tahanan, Barangay Poblacion 2, Sagay City, noong Miyerkules, Nobyembre 22.

Itinago ng pulisya ang mga pangalan ng nasawi at ang limang sugatang biktima, na pawang mga estudyanteng may edad 15 hanggang 23.

Ayon kay Police Lt. Hanna Mesheil Banquil, deputy chief ng Sagay City Police Station, nasa impluwensiya umano ng alak ang mga biktima nang mabilis umano ang takbo pauwi.

Sinabi ni Banquil na magkabuntot ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Aniya, nakalabas na ng ospital ang tatlong babaeng biktima, habang ang dalawang driver ng motorsiklo ay naka-confine sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) dito.

Sinabi niya na ang pamilya ng binatilyo ay nagpasya na huwag magsampa ng kaso laban sa mga driver ng motorsiklo. RNT

Previous article2 bayan sa Pangasinan, drug-cleared na
Next articleEmergency loan rules itinakda ng GSIS