Home METRO 18 bebot nasagip sa restobar

18 bebot nasagip sa restobar

CAVITE- Nasagip ng mga awtoridad ang nasa 18 kababaihan sa isang restobar na pronta umano ng prostitusyon, noong Huwebes sa bayan ng Silang.

Ayon kay Police Staff Sergeant Valerie Frias, imbestigador ng Women and Children Protection Desk-Silang-PNP, Huwebes ng gabi nang sinalakay ang restobar sa Barangay San Vicente, ng naturang bayan.

Nasagip ang 18 kababaihan habang dinampot ang ilang tauhan, waiter at floor manager na siya umanong nagsisilbing bugaw.

Sinabi ni Firas, nakatanggap sila ng intelligence report hinggil sa prostitusyon nagaganap sa loob ng restobar.

Sa pagsalakay ng mga awtoridad, tumambad sa kanila ang mga silid na hindi karaniwang makikita sa isang restobar o kainan at posibleng doon nagaganap ang prostitusyon.

Kasalukuyan nasa himpilan ng Silang-PNP ang mga dinakip na tauhan ng restobar at mga kababaihan para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Habang sinusulat ang ulat na ito ay hindi naman nagbigay ng pahayag ang may-ari ng restobar at maaaring maharap sa karampatang parusa sa paglabag at sa human trafficking. Mary Anne Sapico

Previous articlePilipinas silat sa Iraq sa unang laban sa ilalim ni Saintfiet
Next articleG League Ignite team kinansel ng NBA