Home METRO 18 sugatan sa sunog sa imbakan ng paputok sa Bocaue

18 sugatan sa sunog sa imbakan ng paputok sa Bocaue

MANILA, Philippines – Sugatan ang 18 indibidwal sa nangyaring sunog sa Bocaue, Bulacan.

Maliban sa sunog ay sinabayan pa ito ng mga putukan mula sa firecrackers na nakaimbak sa lugar.

Nangyari ang insidente sa residential area sa Barangay Bundukan.

Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad kung bakit mayroong malaking bilang ng mga paputok ang nakatago sa isa sa mga apektadong bahay.

Maliban sa mga bahay, nadamay din sa sunog ang ilang nakaparadang sasakyan sa lugar.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring sunog. RNT/JGC

Previous articleDOJ target gumamit ng AI sa profiling ng mga biyahero
Next articleHigit 2,500 tiwaling pulis, sinuspinde, tinanggal sa serbisyo – PNP