Home METRO 1,800 indibidwal nakilahok sa clean up drive sa Malabon

1,800 indibidwal nakilahok sa clean up drive sa Malabon

MANILA, Philippines – Inilunsad ang KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) Clean Up Drive sa Mega Dike, Brgy. Dampalit, Malabon City.

Pinangunahan ito nina Malabon Mayor Jeannie Sandoval kasama ang DILG sa pamumuno ni Sec. Benjamin C. Abalos Jr., National Barangay Affairs Office (NBOO) Usec Felicito A. Valmocina, DILG Malabon OIC CD Jess Marie A. Acoba, CESE at Hon. Edilberto “Butch” Cruz, Punong Barangay ng Dampalit.

Umabot sa 1,124 na sako ng basura ang nakolekta ng Malabon City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pagtutulungan ng higit sa 1,800 indibidwal na nakilahok sa aktibidad.

Bago simulan ang sabay-sabay na paglilinis, pinangunahan nina SILG Abalos at Mayor Sandoval ang Pledge of Commitment kung saan hinihikayat ang lahat ng Malabueños na maging disiplinado at makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad tungo sa maunlad na bayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Jeannie Sandoval sa DILG at sa lahat ng mga volunteer mula sa Malabon, pati na rin sa mga kalahok na ahensya.

Kabilang dito ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), National Capital Region Police Office (NCRPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR), DENR-MEO Estero Rangers, mga empleyado ng lokal na pamahalaan, mga barangay at SK officials, at mga estudyante ng City of Malabon University (CMU). RNT

Previous articleCall center agent, kasabwat tiklo sa tobats sa Taguig
Next articleGatchalian nagbabala sa lumalaganap na online love scam