Home NATIONWIDE 180K security personnel ipinakalat para sa Semana Santa, Ramadan

180K security personnel ipinakalat para sa Semana Santa, Ramadan

MANILA, Philippines- Para sa paggunita ng Mahal na Araw at Ramadan ngayong taon, 180,000 security personnel mula sa iba’t ibang law enforcement agencies ang ipinakalat sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Nagsimula ang Holy Week noong March 24, habang nag-umpisa naman ang banal na buwan ng Ramadan noong March 12.

Sa 180,000 security personnel, sinabi ng PNP na 52,000 police officers ang magpapatrolya sa key locations tulad ng highways, ports, terminals, major convergence areas, mga simbahan, at tourist destinations.

“As of now, we have not received any specific threats. However, we maintain a vigilant stance. Our commitment extends to ensuring the safety and security of our Catholic and Muslim brothers and sisters during this significant period of religious devotion,” pahayag ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Martes.

“While our deployment has been extensive, we are attentive to specific areas that could benefit from increased police visibility. One crucial aspect is augmenting our K9 units, as these units play a vital role in detecting potential threats and bolstering overall security measures, particularly in densely populated public areas,” dagdag ng opisyal.

Nauna nang sinabi ng PNP na 17,499 sa 52,000 pulis ang itatalaga sa “places of convergence” tulad ng malls at transport terminals, habang 12,640 ang ipakakalat sa mga lugar na panambahan.

Babantayan naman ang major thoroughfares sa buong bansa ng 9,789 police officers, 3,854 ang ilalagay sa mga pantalan, at 8,491 ang aantabay upang magbigay ng suporta sa PNP headquarters sa Quezon City.

Gayundin, inihayag ng PNP na 427 police service dogs ang nag-iinspeksyon sa transport terminals bilang tugon sa ilang bomb threats na natatanggap ng iba’t ibang government agencies. RNT/SA

Previous articleDBM nagpalabas ng P1.134B sa DepEd para sa restorasyon ng heritage school buildings
Next articleHigit 2M sea passengers inaasahan ngayong Holy Week