Pakikipagsayaw sa hindi kakilala, ipinagbawal sa mga bar sa Barcelona

Pakikipagsayaw sa hindi kakilala, ipinagbawal sa mga bar sa Barcelona

June 29, 2020 @ 2:15 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Spain – Pinalagan ng disco owners sa Barcelona, Spain ang kautusan kung saan ipinagbabawal ang pakikipagsayawan, maliban na lang kung nasa hotel, restaurant, at kakilala ang kasayaw.

“We want to dance,” hinaing ng disco owner sa isang pahayag bilang pagresponde sa desisyon ng Catalan regional government na bawiin ang kanilang utos na nag-aalis sa dancing ban sa kanilang mga bar.

Naunang inalis ng Barcelona ang kanilang dance ban sa mga disco at nightclub noong nakaraang linggo kasabay ng pagluwag ng bansang Spain sa kanilang coronavirus lockdown measures.

Nito lamang ay biglang nagbago ang desisyon at sinabing dapat mayroong upuan at mesa ang dance floor.

Papayagan lamang magbukas ang mga dance floor sa mga hotel at kainan kung magkakakilala umano ang mga sasayaw.

Inalmahan din sa social media ang naging desisyon habang dismayado na rin ang mga may-ari ng disco na umaasang magbubukas muli matapos ang lockdown.

“They stop us from dancing even though that is what we all like the most,” lahad pa ni Ramon Mas, pinuno ng Barcelona discotheque federation sa isang regional parliament hearing.

“A night club without dancing is like an opera without music or a restaurant without food.”

Sa panig ng grupong Spain Night Life, papaboran lang umano ng desisyon ang mga iligal na club.

“Knowing the level of relations between one person and another impacts their privacy and an entrepreneur cannot be a part of that,” giit ni Joaquim Boadas sa panayam sa Agence France-Presse.

Hirit niya, pagsayawin na lang ng naka-face mask ang mga mananayaw. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...