Home METRO 19-anyos himas-rehas sa P340K tobats

19-anyos himas-rehas sa P340K tobats

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 19-anyos na babaeng drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng Eastern Police District (EPD) sa isang terminal ng tricycle sa Pasig City nitong Huwebes, Disyembre 28.

Kinilala ng EPD-District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang suspek na si “Jelilah,” residente ng Pasig City.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang EPD-DDEU sa terminal sa Barangay Palatiw na nagresulta sa kumpiskasyon ng 50 gramo ng shabu na may karaniwang presyo  na P340,000.

Ang naarestong suspek ay pansamantalang nakakulong sa Pasig Police custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT

Previous articleBatang City Jail member pinasok sa loob ng bahay saka tinodas!
Next articleCapiz most wanted nasakote!