Home HOME BANNER STORY 19 insidente ng pagkalunod, naitala sa Semana Santa – PNP

19 insidente ng pagkalunod, naitala sa Semana Santa – PNP

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 19 na insidente ng pagkalunod ang Philippine National Police ngayong Semana Santa.

Ayon sa datos, malaking bahagi ng mga biktima ay mula sa Region 4A na may pitong kaso, sunod ang Region 2 na may tatlong nasawi.

Samantala, dalawa naman ang nasawi sa Region 6, at dalawang nasaktan sa Region 3, habang dalawa rin ang nasawi sa Region 1 at isa ang nasaktan.

Sa Region 5, Region 8 at Region 11 ay may tig-iisang nasawi dahil sa pagkalunod.

Karamihan sa mga biktima ay edad 21 hanggang 40, habang ang limang nasawi ay edad 13 hanggang 20.

Edad lima hanggang 12 ang apat sa mga biktima, at apat din mula sa edad 41 hanggang 65.

Bukod sa pagkalunod, nakapagtala rin ang pulisya ng tatlong insidente ng banggaan, dalawang insidente ng nakawan at tatlong kaso ng pang-aabuso sa mga bata ngayong Semana Santa. RNT/JGC

Previous articleBoss Toyo, tinabla si Ariel!
Next articleDangerous level na heat index asahan sa 10 lugar sa bansa ngayong araw!