Home NATIONWIDE 19 kabataan tusta sa nasunog na dormitoryo!

19 kabataan tusta sa nasunog na dormitoryo!

673
0

Hindi bababa sa 19 na kabataan ang namatay habang marami ang nasugatan sa sunog sa dormitoryo ng paaralan sa Guyana, sinabi ng fire brigade ng maliit na bansa sa South America nitong Lunes.

Hindi pa alam kung paano nagsimula ang sunog noong Linggo sa isang dormitoryong tirahan ng mga batang babae na may edad 11-12 at 16-17.

“Labing-apat na kabataan ang namatay sa pinangyarihan, habang lima ang namatay sa Mahdia District Hospital,” sabi ng departamento ng bumbero sa isang pahayag.

Ang Guyana, na may populasyon na 800,000, ay ang tanging bansang nagsasalita ng Ingles sa Timog Amerika.

Sa mga pinakamahihirap na bansa sa South America, umaasa itong makakatulong ang pagtuklas sa pag-unlad. Ipinagmamalaki rin ng bansa ang pangalawang pinakamataas na porsyento ng kagubatan sa mundo.

Nanawagan si Natasha Singh-Lewis, isang oposisyong MP, para sa imbestigasyon sa sanhi ng sunog. RNT

Previous articleAlyansa ng PDP-Laban, Lakas-CMD pinagtibay
Next articleGuanzon sa Post Office fire: Baka may ipapatayong condo dyan, mag-rally tayo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here