190 farmer-leaders, napatay sa nakalipas na 5 buwan – farmers’ groups

190 farmer-leaders, napatay sa nakalipas na 5 buwan – farmers’ groups

July 1, 2020 @ 12:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Higit 100 magsasaka ang napatay sa pagitan ng Marso at Hunyo, sa kabila ng mga ipinatutupad na lockdown upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus, ayon sa ulat ng dalawang farmers’ groups.

Batay sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Tanggol Magsasaka, 262 na magsasaka at mga lider nito ang napatay mula noong Hulyo 2016, kung saan 190 sa mga ito ang napatay sa nakalipas na limang buwan.

Nitong Hunyo lamang, anim na lider ang napatay sa Iloilo, Northern Samar, Negros Occidental at Albay, kung saan may kaugnayan ang mga ito sa grupo ng mga magsasaka na tumataliwas sa pamahalaan at nabaril ng mga lalaking naka-motorsiklo.

“Tanggol Magsasaka has documented extrajudicial killings, illegal arrests and illegal detention, filing of fabricated criminal charges, Red-tagging and vilification, torture, surveillance, bombing of peasant communities and unending list of human rights violations committed by state forces,” saad ng KMP. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...