Home HOME BANNER STORY 1,948 ruta sa bansa walang consolidated jeepneys, UV Express – LTFRB

1,948 ruta sa bansa walang consolidated jeepneys, UV Express – LTFRB

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 1,948 na ruta sa bansa ang wala pang consolidated jeepney at UV Express units.

Ito ay ilang araw bago ang pagsisimula ng crackdown sa unconsolidated public utility vehicles (PUVs) sa Pebrero 1.

Sa nasabing mga ruta, 1,767 ang ruta ng mga jeepney habang 181 ang ruta ng UV Express.

Bicol region ang may pinakamaraming bilang ng mga rutang wala pang consolidated jeepneys sa 451. Mas mataas ito sa 214 ruta sa rehiyon na may consolidated units na.

Maliban sa Bicol, mas mataas rin ang bilang ng mga apektadong ruta kumpara sa mga may consolidated jeepneys sa Ilocos at Mimaropa.

Mayroong 189 apektadong ruta sa Ilocos at 140 naman sa Mimaropa.

Sa National Capital Region (NCR), 320 ruta ang wala pang consolidated jeepneys habang 555 naman ang mayroon.

Mayroon namang consolidated jeepneys sa lahat ng mga ruta sa Central Visayas, Soccsksargen, at Caraga.

Samantala, sa mga apektadong ruta ng UV Express, NCR ang may pinakamaraming apektadong ruta sa 76, na sinundan ng Eastern Visayas sa 21 at Ilocos sa 15 ruta.

Nakapag-consolidate naman na ang lahat ng unit ng UV Express sa lahat ng ruta sa Central Visayas, Soccsksargen, at Caraga.

Kamakailan ay sinabi ng pamahalaan na mayroon lamang 76.6% ng mga jeepney ang nakapag-consolidate sa mga kooperatiba matapos ang December 31, 2023 deadline para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Pinag-aaralan naman ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbibigay ng special permits sa consolidated PUV para serbisyuhan ang mga pasahero sa mga apektadong ruta. RNT/JGC

Previous articlePagkakasama sa writ of injunction vs 2024 GAA pinabulaanan ng solon
Next articleHalos 800 LGUs gumagamit na ng electronic system sa pagbibigay ng business permits – DILG