MANILA, Philippines- Umabot na sa 19,370 ang bilang ng pamilya na apektado ng masungit na panahon na dala ng bagyong Goring.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na katumbas ito ng 63,565 indibidwal na nakatira sa 333 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa nasabing bilang, 4,049 pamilya o 14,856 katao ang nanuluyan sa 154 evacuation centers habang 2,628 pamilya naman o 10,116 indibidwal ang tinutulungan sa labas ng evacuation center.
Sa ngayon ay wala pa ring natatanggap na ulat ang NDRRMC ng casualty.
Nauna rito, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na ang mga apektadong pamilya ay iyong “displaced” at iyong hndi na kailangang ilipat at alisin mula sa kanilang tinitirhan.
Sinabi pa ng OCD na patuloy itong nakikipagtulungan sa regional counterparts at iba pang ahensya ng gobyerno para masiguro ang tulong sa typhoon-affected areas.
“Together with other government agencies and uniformed services, we continue to ensure that everything needed for response operations is in place. On the part of OCD, as the executive arm of the NDRRMC, we continue to monitor the situation and coordinate response operations. We have activated the emergency preparedness and response or the EPR protocols in various regions. These are prescribed measures that need to be taken in the areas. Also, the NDRRMC’s response clusters, led by different agencies, were activated,” ayon kay OCD administrator at NDRRMC executive director Ariel Nepomuceno.
Samantala, nakapagtatag naman ng 11 response clusters para tiyakin ang “systematic response” sa epekto ng kalamidad.
Ito ay ang “search, rescue and retrieval; health; internally displaced population; camp coordination and camp management; food and non-food items; logistics; law and order; emergency telecommunications; education; Philippine international humanitarian assistance and management of the dead and missing.” Kris Jose