
Milyun-milyong mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ang bumalik sa kanilang mga silid-aralan ngayong Martes, Agosto 29, upang salubungin ang isang bagong academic year at isang bagong programa na unang inilunsad ng pamahalaan para sa mga mag-aaral sa kindergarten hanggang Grade 10.
Sa mahigit 22 milyong enrollees, sinabi ng Department of Education (DepEd) na nasa 19 milyon ang mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan, habang ang iba ay mula sa mga pribadong institusyon.
Ilang paaralan sa Metro Manila at sa iba pang rehiyon ang nakikiisa sa pilot na pagpapatupad ng bagong “Matatag” curriculum na inilunsad ng gobyerno noong unang bahagi ng buwan. Ipinakilala ng DepEd ang bagong programa kung saan binawasan ang mga kakayahan na kailangang makabisado ng mga mag-aaral kasunod ng dalawang taong pag-aaral.
Humigit-kumulang 70% ng kasalukuyang kurikulum ang inalis, habang ang learning areas sa paunang lebel na pito ay binawasan hanggang lima kung saan kabilang dito ang Language, Reading and Literacy, Math, Makabansa, and Good Manners and Right Conduct.
