
MANILA, Philippines – Nagbabala ang United Nations na isang bilyong tao sa 43 bansa ang nasa panganib ng cholera sa kabila ng pag-iwas at paggamot.
Sinabi ng UN na wala itong mga resources upang labanan ang mga outbreaks at habang tumatagal na simulan ang paglaban, mas lalala ang sitwasyon.
Sa pagitan ng World Health Organization at UNICEF, ang UN ay naghahanap ng $640 milyon para labanan ang nakakahawang sakit, nagbabala ng isang “cholera catastrophe” kung ang aksyon ay hindi agaran.
“WHO estimates that a billion people across 43 countries are at risk of cholera,” sabi ni Henry Gray, ang UN health agency’s incident manager for global cholera response.
Ngayong taon nasa 24 bansa na Ang iniulat na cholera outbreaks, kumpara sa 15 noong kalagitnaan ng Mayo noong nakaraang taon.
Ang mga bansang karaniwang hindi apektado ng cholera ay naaapektuhan at ang mga case fatality rate ay higit na lumalampas sa karaniwang isa sa 100.
Sinisi ni Gray ang pagtaas ng mga kaso sa kahirapan, salungatan at climate change gayundin sa paglilipat ng populasyon mula sa mas ligtas na mapapagkunan ng pagkain at tubig at suportang medikal.
“With the increase in the number of countries affected by cholera, the resources that were available for prevention and response are more thinly spread,” aniya sa media briefing.
Sinabi naman ni Jerome Pfaffmann Zambruni, ang head ng UNICEF’s public health emergency unit, na ang pagtaas ng kaso ay isang wake-up call.
Aniya kahit maaring pumatay sa loob ng ilang oras ang cholera, ito ay maaring gamutin sa pamamagitan ng simpleng oral rehydration, at antibiotic para sa mas malalang kaso. Ngunit maraming tao ang kulang sa napapanahong pag-access sa naturang paggamot.
Maaring maiwasan ang outbreaks sa pagtiyak na Ang access sa makijis nantubug at pagpapabuti sa surveillance.
Ngunit ang kakulangan ng pondo para sa mabilis na pagtugon ay magdudulot ng mga buhay na maaaring mailigtas, sabi ni Gray.
Dagdag pa niya na ang pangakalahatang solusyon ay ang long-term investment sa wastewater infrastructure. Jocelyn Tabangcura-Domenden