1K manggagawa nakatanggap na ng tig-P5K cash assistance mula DOLE

1K manggagawa nakatanggap na ng tig-P5K cash assistance mula DOLE

March 27, 2020 @ 8:47 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nasa 1,000 manggagawa mula sa formal sector  sa Metro Manila ang nakatanggap na ng P5,000 cash assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng  Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Ayon kay  Bureau of Local Employment, DOLE-NCR regional director Sarah Buena Mirasol, nakapagproseso na ang ahensya sa ilalim ng nasabing programa  ng ayuda na  P5.5 milyon sa 1,074 mga empleyado.

 

Dagdag pa ng opisyal, nakatanggap ang DOLE ng 46,213 CAMP applicant  mula sa  973 mga pribadong establisyimento  sa Metro Manila na nagpatupad ng Flexible Working Arrangements (FWAs) o temporary closure, alinsunod sa   DOLE Labor Advisory No. 9, series of 2020.

 

Aniya, nasa 43,000 request para sa financial assistance mula sa bilang ng mga aplikante ang kanilang pinoproseso.

 

Hiniling naman ni Mirasol ang kooperasyon at pasensya mh mga employer  dahil sa pagdagsa ng aplikasyon na kanilang natatanggap online.

 

Pinayuhan naman nito ang mga aplikante na huwag munang magtungo sa kanyang opisina at sa halip ay isumite ang kanilang CAMP application  sa pamamagitan ng e-mail , bilang bahagi na rin ng pagsunod sa quarantine  protocol gayundin upang maiwasan pagdagsa ng aplikante sa opisina.

 

Nito lamang Marso 17, nilagdaan ni  Labor Secretary Silvestre Bello III ang  Department Order 209-20 o  guidelines sa CAMP kung saan nag-aalok ng suportqng pinansiyal  sa mga apektadong panggagawa sa mga pribadong establisyimento  na pansamantalang nagsara  bunsod ng COVIFD-19 pandemic.

 

Sa nasabing programa, bibigyan ng isang beses na P5,000 ang isang manggagawa o kaya ay maari silang  bigyan ng  pansamantalang trabaho depende sa kanilang kuwalipikasyon.

 

Upang makakuha ng financial assistane ang mga apektadong manggagawa na ang kumpamya ay nagpatupad ng  FWAs o pansamantalang pagsasara, kailangan isumite ang DOLE  Establishment Report sa  Covid-19 Form ( na ida-download sa http://bit.ly/ncrcovid19ERform) at  company payroll ng buwan ng February  o mas maaga batay sa Labor Advisory No. 12, series of 2020.

 

Para naman sa agarang proseso at remittance ng P5,000 assistance, kailangan din ng DOLE-NCR kopya ng  payroll account numbers ng apektadong manggagawa  at  company payroll’s bank name/branch.

 

Bukas naman ang anim na field offices ng DOLE-NCR  sa pamamagitan ng kanilang  online via e-mail at mayroon ding  hotline para sa anumang katanungan at hinaing simula Lunes hanggang Biyernes  mula alas 9 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.

 

Ang kanilang mga field offices ay ang mga sumusunod:

 

Camanava Field Office (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela)

E-mail: camp.cfo@gmail.com / Hotline: 0998-963-3903

Muntaparlas Field Office (Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Las Piñas)

E-mail: camp.mtplfo@gmail.com / Hotline: 0998-963-3859

Papamamarisan Field Office (Pasig, Pateros, Mandaluyong, Marikina, San Juan)

E-mail: camp.pfo@gmail.com / Hotline: 0947-994-1433

Manila Field Office

E-mail: camp.mfo@gmail.com / Hotline: 0998-963-3971

Makati-Pasay Field Office

E-mail: camp.mpfo@gmail.com / Hotline: 0995-334-3174 / 0928-354-4238

Quezon City Field Office

E-mail: camp.qcfo@gmail.com / Hotline: 0925-487-5979 / 0947-881-3044. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Comments (32)

  • ryan vargas Reply

    mam,sir goodmorning po mag tanun lng po sna ako kng nkapag pasa na po ba ng requirments ang unique auto car specialist at na process npo kya mam slamat po sa inyo

    March 30, 2020 at 9:10 am
  • Mary ann Pantaleon Reply

    Good evening po,,tanong lang po sana ako kung nakapag submit na yung companya nmin na fast alter station,,at kung na approbahan po,,salamat and GODbless po

    March 31, 2020 at 10:33 pm
    • Janice canua bufete Reply

      Hai maam sir ask ko lang po po paano po yung agency namin na until now wala update sa amin salamat godbless

      April 15, 2020 at 1:55 am
  • Jonah A Caspe Reply

    Ma’am, sir magandang hapon po, ask lang po Kung naka pag submit na po company namin na unifive Steel, at Kung in process na po ba thnx and God bless po

    April 2, 2020 at 3:51 pm
  • Arnel V. Ramos Reply

    Mam /sir tanong lng po panu po ung mga construction worker na walang employer? Panu po mkakakuha ng assistance?

    April 2, 2020 at 6:53 pm
    • RODRIGO M. BAYUNON JR. Reply

      maam sr ask q lng po qng meron makuha ung mga shell fuel company..?? ngpasa na po pla ung company namin.. but still w8ng parin..

      April 3, 2020 at 10:52 am
      • Benjamin marbella jr Reply

        Good day po maam,sir .. Maam ask ku lng po sana kung ang agency nmen na smart job ay nagpasa na po b sainyu ? Salamat po godbless po

        April 3, 2020 at 12:53 pm
      • Benjamin marbella jr Reply

        Maam ask ku lang po .. Kung ung agency nmen na smartjob po ay nkapagpasa na po ba o hindi pa .. Salamat po

        April 3, 2020 at 12:54 pm
  • marvie n. lequigan Reply

    Good afternoon mam, anu na po status ng pag submit ko thru gmail, wtnbd inc. po. na approbahan na po ba? maraming salamat po ..

    April 3, 2020 at 1:09 pm
  • Romeo bigcas jr Reply

    Goodafternoon po mam sir tanong kulng po Kung ung agency po namin naka pag submite na po , Giligans Restaurant po sa moa ..salamat po

    April 3, 2020 at 1:15 pm
  • Efren Mae T. Avila Reply

    Good day!
    Ma’am/Sir

    I just want to ask po if our agency already submitted the said documents for this.
    Megafive Security and investigation Agency

    April 3, 2020 at 2:54 pm
    • Joseline L. Lim Reply

      Gud pm mam/sir ask ko lng po b kung nkapag submit nb ang agency nmin ng mga requirements about c camp. Power Edge staffing and services. Kc nung March 20,-22 2020. pa napasa ngayun po inaantay nmin ang kasagutan. Salamat po.
      Makati po ang agency nmin.

      April 8, 2020 at 3:23 pm
  • Glen Enriquez Reply

    Good pm po ma’am/sir ask q lang po Sana if na approve po ba u ng requirements na pinasa po ng agency namin PROMIGTH SECURITY AGENCY po thanks po

    April 3, 2020 at 4:16 pm
  • emz Reply

    hi goodeve po.. ask ko lang po kung nakapagpasa na po ang agency namin na job on link staffing solutions ng mga requirements po s inyo?salamat po

    April 3, 2020 at 7:10 pm
    • JoJo ilao Reply

      Ma’am /sir good evening po ask Lang po Kung nagpasa Napo Yung AMA FORCE SECURITY AGENCY..
      Naabutan Kasi po ako NG lockdown dito SA bicol Province until now po di Napo ako makabyahe almost 1month Napo ako dito di Napo Kasi ngpapalabas NG byahe pabalik NG manila.. Sana po matulungan nyo ako maraming salamat po God bless us

      April 3, 2020 at 11:44 pm
  • Jesica Reply

    Mam good evening po yung staff search asia po ba nagpasa kc kahit po yung 13month at ayuda para samin wla kmi nakukuha

    April 3, 2020 at 8:49 pm
  • JoJo ilao Reply

    Kahit NGA po last 13 month pay nmin di parin nakukuha Mula sa agency namin .. JoJo ilao po ito security guard NG AMA FORCE SECURITY AGENCY

    April 3, 2020 at 11:59 pm
  • jeraldine Reply

    ayon po sa balita pwede na daw na kaming employee ang magasikaso ng kelangan namin para makatanggao ng 5k financial assistance na magmumula sainyo. ano at paano po namin gagawin di naman po makalabas dahil sa covid-19. sana po may sumagot dahil ang tagal na po nmin nghihintay sa employer namin hndi namin alam kung inaasikaso nila

    April 4, 2020 at 1:53 pm
    • jeraldine Reply

      iamm manpower services po name ng agency namin matagal na po kami nakaassign sa new-hizex plastic manufucturing inc. company

      April 4, 2020 at 1:57 pm
      • Darwin Arban Reply

        Gud am po ask kulng kung nakapag pasa ang agency na Topserve ??

        April 8, 2020 at 2:45 am
  • REGINO TOBIAS Reply

    may tanong din po sana ako sa inyo maam kung nakapagpasa na po ang HIGH FIRST BUILD CONSTRUCTION INCORPORATED. 2nd flr. Unit 5, Elena Bldg. Pamplona 3, Las Piñas City?

    April 4, 2020 at 3:02 pm
  • melvin Reply

    ask ko lng po kung ano na po status ng na submit na application ng fluid tech int.mngt? maraming salamat po sa sagot✌️💞

    April 4, 2020 at 10:27 pm
  • Mary jane Catacte Reply

    madam/sir, last march 29 pa po kmi nagpasa thru email ng requirement pero hanggang ngaun po wla pang feedback.. pano po nmin malalaman kung approve or dis approve po yung application nmin eh wla pong nagrereply sa mga email nmin..thanks..

    April 5, 2020 at 6:01 am
    • ALexa Romero Reply

      ask ko lng ung company namin kung meron na yumark pacific ..09093824409..tnx

      April 8, 2020 at 11:28 am
  • Chabby Jasmen Reply

    MAM/SIR GOOD DAY PO ASK KOPO KUNG APPROVED NAPO BA ANG PINASA NA PAYROL NANG AMING AGENCY ANG NAME PO NANG AMING AGENCY””LIBERTY SERVICES PROVIDERS INC..PARA SA AYUDA NANG MANGGAGAWA HABANG NAKASARA ANG AMING COMPANY DAHIL SA LOCKDOWN COVID19..MARAMING SALAMAT PO SANA MATULUNGAN NYO PO KAMI..GOD BLESS US ALL

    April 5, 2020 at 8:53 pm
    • Cistina Reply

      Maam .sir tanong lang po kung approved na po ba ang qwinze manufacturing

      April 12, 2020 at 7:13 pm
  • Jeremias S. Arevalo Reply

    Good and a safe day po, sa ngaun po nakareceive n ng text mula s dole yung mga katrabaho ko, pero ako po wala pa, bk po namli lng number naisend yung company ko. 09391080702 yung personal number ko

    April 6, 2020 at 1:59 pm
  • Arnold nanoy Reply

    God morning po mam sir tanong ko lang po kong nkpag pasa na ng requirments ang victor security agency lucena salamat po.

    April 7, 2020 at 8:18 am
  • jeirjeir20@gmail.com Reply

    Good evening po ma’am sir ask ko Lang po Kong na approve napo ba ang BCMS campany,,,kc hndi po Ako mabigyan ng Ayuda Dito po ,,,kc po pag wala I’d na kwaratine pass hndi ka bibigyan ng Ayuda ,,,,akala ko po para salahat ,,,,

    April 10, 2020 at 5:40 pm
  • Razel Arendain Reply

    bakit po hanggang ngaun ay wala parin po kaming natatanggap na assistance galing sa inyo? mag 3 weeks na pong nagpasa ng lists ang employer namin pero hangang ngaun wala parin kayong dinidistrbute na assistance samen….kelan yan darating pag tirik na mata namin sa gutom bago nyo kami rescuehan? dinisqualified na nga kami sa DSWD dahil may DOLE daw kami dahil sa kami ay may employer…pero asan na kayo?

    ALMAS GARMENTS
    IMVJ APPAREL
    IMVJA TRUCKING

    BIGYAN NYO NAMAN KAMI NG PANSIN DAHIL MARAMI SAMEN ANG WALA NG MAKAIN….

    April 16, 2020 at 7:43 pm
  • darilyn p. barretto Reply

    gud eve po mam/sir ask qo lng po kng pnu po malalaman kng approved or hindi ung pinasang requirements april 3 & april 13, nagsend po aqo s email wla po notification kng nareceive po mnlng po email salmat po..God bless and more power po..VINSOR SECURITY AND INVESTIGATION SERVICES name po ng agency..

    April 16, 2020 at 9:02 pm
  • michael dalope Reply

    maam ask lang po kung nakapagpasa po ang ARDI HEALTH SERVICES.INC dtu po sa pasig sabi po kc nagpasa pi cla last march 26 2020 pi bat hanggang ngayon wala pa po pls.refly tnks po

    May 1, 2020 at 1:18 pm

Leave a Reply

Loading...