Home NATIONWIDE 1K PDLs posibleng makalaya sa Pasko

1K PDLs posibleng makalaya sa Pasko

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Public Attorney’s Office (PAO) na ngayong Pasko ay makalalaya ang mga karapat-dapat na Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Nanawagan ang PAO sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkalooban ng clemency para sa pagbabagong-buhay ng mga inmates.

Ayon sa PAO, mahigit isang libong PDLs ang inirekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na gawaran ng executive clemency.

Ang listahan na dumaan sa masusing pagsusuri ay isinumite na ng Department of Justice sa Malacanang.

Ayon sa PAO, iba’t ibang kaso ang kinasasangkutan ng mga inirekomendang mapalaya, mayroon ding nakatatanda habang ang iba ay nagtataglay ng sakit.

Taun-taon ang Pangulo ng Bansa ay nagkakaloob ng executive clemency sa mga inmate na kuwalipikado at rekomendadong lumaya.

Noong nakaraang taon, 600 PDLs ang lumaya ng piitan matapos pagkalooban ng executive clemency ng Pangulong Marcos Jr. Teresa Tavares

Previous articleDOH sa publiko: Mga may sintomas ng COVID, ‘wag nang dumalo sa mga pagtitipon
Next articleWalang inilaang budget sa COVID vax sa 2024 – DOH