MANILA, Philippines – KINOKONSIDERA ng Pilipinas, Japan, at Estados Unidos ang pagdaraos ng unang trilateral talks ng kanilang security advisors sa Tokyo sa susunod na linggo.
Layon nito na tugunan ang pinaigting na military activities ng China sa Indo-Pacific region.
Sa ilalim ng bagong three-way security scheme, inaasahan na dadalo sina Takeo Akiba, secretary general ng National Security Secretariat ng Japan, at kanyang U.S. at Philippine counterparts na sina Jake Sullivan at Eduardo Ano, sa nasabing plano sa darating na Hunyo 16.
“The talks would reflect their deepening cooperation following the first joint drills by three countries’ coast guards earlier in the month off Manila Bay, which opens to the South China Sea,” ayon sa source.
“The gathering, originally scheduled for April, would show their renewed commitment to strengthening their deterrence against Beijing’s growing maritime assertiveness in the East and South China seas, including the Taiwan Strait,” ayon pa rin sa source.
Samantala, ang Japan, Estados Unidos at Pilipinas ay nagdaos naman ng kanilang unang quadrilateral defense ministerial meeting kasama ang bansang Australia noong nakaraang linggo sa Singapore sa sidelines ng Asia Security Summit, isang annual regional forum o mas kilala bilang Shangri-La Dialogue. Kris Jose