Home NATIONWIDE 1st Women in Sports Awards: Mga atletang Pinay pinuri ni Bong Go

1st Women in Sports Awards: Mga atletang Pinay pinuri ni Bong Go

MANILA, Philippines- Personal na ipinahayag ni Senator Christopher “Bong” Go, pinuno ng Senate committee on sports, ang kanyang paghanga at suporta sa atletang Filipina sa ginanap na 1st Women in Sports Awards sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila noong Miyerkules.

Ang seremonya, kasabay ng Women’s Month, ay naging daan para kilalanin ng senador ang napakahalagang kontribusyon ng mga babaeng atleta sa Pilipinas. Idiniin ng senador ang kanyang pangakong patuloy na susuportahan ang sektor ng palakasan.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Senator Go ang papel ng sports sa pag-iwas ng mga Pilipino sa droga at iba pang bisyo. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa sports sector, sinabi ni Go na ang kanyang adbokasiya sa pagtataguyod ng isang malusog at disiplinadong Pilipino ay nagpapakita kung gaano kalaki ang epekto ng sports sa kapakanan ng lipunan.

Sinabi ng senador na higit pa sa pagiging libangan, ang sports ay isang mahalagang kasangkapan sa paghubog ng karakter ng kabataan.

“Sa bawat pagtakbo, paglundag, mga panalo man o pagkatalo natututo tayo ng disiplina, pakikipagtulungan, at integridad. Naniniwala ako na isang paraan ang sports para maipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga. Pumasok sa sports, lumayo sa droga para manatiling malusog at fit,” aniya.

Isa sa mga naging ambag ng senador sa pagpapaunlad ng palakasan ay ang Republic Act No. 11470 na kanyang iniakda at inisponsoran. Dahil dito, naitatag ang National Academy of Sports (NAS) na matatagpuan sa New Clark City, Capas, Tarlac. Ang NAS ay isang institusyong pinamamahalaan ng gobyerno na nag-aalok ng programa sa sekondaryang edukasyon na isinama sa isang espesyal na kurikulum sa palakasan.

Ang inisyatibang ito na binuo sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Philippine Sports Commission (PSC), ay sumasalamin sa pananaw ni Go na lumikha ng isang kapaligiran kung saan ang mga mag-aaral-atleta ay maaaring maging mahusay sa akademiko at sports.

Siya rin ang nag-akda ng Senate Bill No. 2514 o ang Philippine National Games Act na sinuportahan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Majority Floor Leader Senator Joel Villanueva

Layon nitong magtatag ng isang komprehensibong pambansang programa sa palakasan na pinagsasama ang grassroots sports development at national sports advancement efforts kung magiging batas. RNT

Previous articlePasaporte ni Teves kanselado na – DFA
Next articlePagiging ‘multi-mission ready’ force inihirit sa PH Army