Home NATIONWIDE 1st-year achievement ni PBBM sa higher education, ‘significant’ – CHED

1st-year achievement ni PBBM sa higher education, ‘significant’ – CHED

238
0

MANILA, Philippines – Kapansin-pansin ang naging tagumpay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang taon ng panunungkulan nito, para sa higher education sector.

“We picked the six because they have verifiable data that can be checked. Meaning, we can compare how many were achieved in one year versus the previous years,” sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson J. Prospero de Vera III sa isinagawang briefing sa Palasyo nitong Martes, Hulyo 11.

Ang pahayag na ito ay makaraang ipresenta ng CHED ang accomplishment reports nito sa Pangulo.

Aniya, ang tagumpay ng administrasyon ay hindi limitado sa anim na salik.

“The first one is Universal Access to quality tertiary education, which means that we have increased access to free public education in the more than 200 public universities and colleges.”

Sa kabila nito, iginiit niya na dapat pa ring pag-igihan ang equity upang masigurong ang marginalized groups ay mayroong access sa competitive education.

“We are pushing that for the next five years, we will focus on inclusive education by telling our public universities to be very conscious in identifying students from public schools, students from poverty areas, the children of indigenous people, those have been marginalized, to assist them (to) pass the admission test because once they get into public education, they don’t anymore pay tuition and miscellaneous fees and they can be assisted,” ani De Vera.

Inihayag din niya ang kahalagahan ng pagbuo ng nararapat na polisiya na magpapataas sa access sa higher education.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay may 41% university participation, mas mataas kumpara sa 2015 hanggang 2016 na datos na 30%. RNT/JGC

Previous articleKongreso naglaan ng P10B vs El NiƱo
Next articleP4.5M marijuana nakumpiska sa 2 suspek sa Cavite

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here