Home HOME BANNER STORY 2.2M Pinoy walang trabaho noong Disyembre 2022

2.2M Pinoy walang trabaho noong Disyembre 2022

163
0

MANILA – Dumami ang bilang ng Pilipino na walang trabaho noong Disyembre, ngunit kumonti naman ang underemployment rate, ayon sa paunang datos na inilabas noong Miyerkoles ng Philippine Statistics Authority.

Ang unemployment rate ay tumuntong sa 4.3 porsiyento noong Disyembre, katumbas ito ng 2.22 milyong Pilipinong walang trabaho. Ang December rate ay bahagyang mas mataas kumpara sa 2.18 milyon o 4.2 porsyento na rate noong Nobyembre 2022, ayon sa datos ng PSA.

Samantala, ang underemployment naman ay bumaba sa 12.6 percent o katumbas ng 6.2 million na Filipino na naghahanap ng mas maraming trabaho o oras ng trabaho. Ang December underemployment rate ay mas mahusay kaysa sa 14.4 porsyento o 7.16 milyon na nakita sa nakaraang buwan, saad pa ng data.

Bahagyang mas mababa rin ang kabuuang employment rate sa bansa noong Disyembre sa 95.7 percent o 49 million kumpara sa November na 95.8 percent rate o 49.71 million Filipinos, sabi ng PSA.

Bumaba ang unemployment rate sa 4.2 percent noong Nobyembre, na katumbas ng 2.18 milyong Pilipinong walang trabaho. Ito rin ang pinakamababa mula noong Abril 2005. RNT

Previous articleInflation bubulusok sa Q2 – PBBM
Next articleMatapos matigil ng 3 taon, Palarong Pambansa aarangkada ulit!