Home HOME BANNER STORY 2.6M pasahero daragsa sa PITX

2.6M pasahero daragsa sa PITX

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa 2.6 milyon ang mga pasaherong dadagsa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ito ay ayon kay Jason Salvador, tagapagsalita ng PITX sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay kung saan mula aniya ito sa Disyembre 15 hanggang Enero 3.

Mas mataas aniya ito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang mga taon na halos dalawang milyong pasahero lamang ang naitala.

Paliwanag ni Salvador, ang inaasahang pagtaas ay dahil naalis na ang restriction o paghihigpit bunsod ng pandemya.

Sa ngayon aniya, nasa 100,000 hanggang 110,000 na pasahero kada araw ang bumibiyahe sa PITX.

Habang papalapit ang Christmas Season o Holiday season break ng mga estudyante, asahan pa aniya na tataas pa ang mga pasahero na dadagsa sa PITX sa mga susunod n mga araw.

Possible pang pumalo sa 196,000 na pasahero kada araw ang bibiyahe sa PITX.

Agad namang humingi ng pasensya si Salvador sa mahabang pila dahil kailangan na tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa.

Dagdag pa ni Salvador, patuloy ding sinusuri ng PITX na maging maayos ang kondisyon ng mga drayber at konduktor upang masiguro na sila ay hindi nakainomng alak at may sapat na tulog at pahinga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePatay sa China quake, 131 na
Next article985 PDLs pinalaya ng BuCor