Home METRO 2 airport police na dumaan sa EDSA bus lane sinuspinde ng MIAA

2 airport police na dumaan sa EDSA bus lane sinuspinde ng MIAA

(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang dalawang airport police nang ilegal umanong dumaan ang mga ito sa EDSA bus carousel lane at nakipagtalo sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcer.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagsimula ang komprontasyon nang mahuli ang isang airport police car na dumaraan sa northbound bus lane nitong Linggo ng hapon.

Tumanggi ang driver na ibigay ang kanyang lisensya at tinangkang hablutin ang cellphone ng MMDA enforcer nang subukan nitong i-record ang komprontasyon, dagdag ng DOTr.

“We cannot just tolerate this kind of abuse. It is embarrassing and this must stop,” pahayag ni MIAA Acting General Manager Eric Ines.

“Violation pa rin ‘yung going through the Bus Carousel,” dagdag niya.

Inihayag pa ng opisyal na iimbestigahan ng MIAA ang insidente.

Anang DOTr, tanging authorized buses, mga sasakyan ng Philippine National Police at emergency vehicles ang maaaring dumaan sa EDSA busway route.

Dagdag nito, sa government officials, ang mga sasakyan ng Pangulo, Bise Presidente, Chief Justice, Speaker of the House, at Senate President lamang ang pinapayagan sa EDSA bus lane. RNT/SA

Previous articleRhen, may mensahe sa mga nagka-casino!
Next articleGrade 10, nobyo timbog sa P70K tsongki