Home METRO 2 American sex offenders naharang ng BI sa NAIA

2 American sex offenders naharang ng BI sa NAIA

MANILA, Philippines – Naharang ng Bureau of Immigration ang dalawang American sex offenders sa pagpasok sa Pilipinas.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Pebrero 7, naharang ang 56-anyos na si Nathan Lee Woodward sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Enero 27.

Positibong tinukoy si Woodward na isang registered sex offender ng border control information system ng BI, at nakasuhan sa lewd at lascivious acts laban sa 14-anyos na dalagita noong 1990.

“He was immediately issued an exclusion order and boarded on the next available PAL flight to Los Angeles that very same day,” ayon kay BI border control and intelligence unit (BCIU) overall deputy chief Joseph Cueto.

Noong Pebrero 5, naharang din sa NAIA Terminal 3 ang registered American sex offender na si Bennison Noveda Flores, sa conviction ng patuloy na pang-aabusong sekswal sa isang bata.

Anang BI, ipinagbabawal ang pagpasok sa bansa ng mga registered sex offenders at iba pang krimen katulad ng moral turpitude.

Hinimok ng ahensya ang publiko na isumbong ang sinumang foreign sex offenders sa bansa sa pamamagitan ng kanilang portal sa facebook.com/immigration.helpline.ph. RNT/JGC

Previous articlePagbubukas ng alternatibong ruta, mabilisang ayuda sa Davao flood victims ipinag-utos ni PBBM
Next articleNakakuha ng passing mark sa 2022 PISA, isang public school lang sa NCR