Home METRO 2-anyos, isa pa patay sa araro ng jeep sa Laguna

2-anyos, isa pa patay sa araro ng jeep sa Laguna

LAGUNA – Patay ang dalawang inidibidwal kabilang ang dalawang taong gulang na bata, habang sugatan naman ang 14 iba pa matapos maararo ng jeep na nawalan umano ng preno sa Nagcarlan, Laguna.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente 5 p.m. sa Barangay Poblacion Dos, kung saan tinumbok ng jeep ang isang e-bike at tricycle.

Nasawi ang 2-anyos na batang sakay ng isang e-bike na kinilalang si Sandra Margarette Arevalo, at 45-anyos na si Henry Audije, nanghiram lang ng upuan sa kabilang kalye..

Habang sa 14 sugatan na nadamay sa aksidente, karamihan umano sa mga ito ay mga estudyante na papauwi na sana mula sa eskwelahan, ayon sa Nagcarlan police.

Kinilala ng pulisya ang jeepney driver na si Dario Dorado, na sumuko sa Nagcarlan Police.

Iginiit niya na aksidente lang ang nangyari. Aniya pa na nalaman niya lang na nawalan siya ng preno nang may pumarang pasahero.

Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple injuries at damage to properties si Dorado. Santi Celario

Previous articlePVL: Farm Fresh handang maghintay sa paggaling ni Jolina Dela Cruz
Next articleMindanao grassroot expansion for sports peace aprub sa PSC