Home METRO 2-anyos ligtas; mga magulang, 7-anyos na kapatid patay sa banggaan

2-anyos ligtas; mga magulang, 7-anyos na kapatid patay sa banggaan

DUMAGUETE CITY – Nakaligtas ang dalawang taong gulang na batang babae habang namatay ang kanyang mga magulang at pitong taong gulang na kapatid na lalaki matapos maaksidente sa trapiko sa Sta. Catalina, Negros Oriental nitong weekend.

Nagpapagaling na sa isang ospital sa Bayawan City ang batang babae, ayon kay Lt. Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) nitong Lunes Santo.

Dinala ang kanyang mga magulang at kapatid sa isang morge sa parehong lungsod.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na sakay ng motorsiklo ang pamilya nang bumangga ito sa isang tricycle dakong alas-9:15 ng gabi. Linggo sa Barangay Poblacion.

Hindi naman nasaktan ang lalaking tricycle driver, 42, at nakakulong sa Bayawan City police station.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa City Social Welfare and Development Office ng Bayawan kung paano haharapin ang ulila, dagdag ni Polinar. RNT

Previous articlePertussis outbreak idineklara sa Iloilo
Next article60K manok sa Leyte pinatay vs bird flu