Home METRO 2 arestado sa online sexual exploitation

2 arestado sa online sexual exploitation

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation-Anti Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang dalawang indibidwal sa Lala, Lanao Del Norte dahil sa paglabag sa kasong may kinalaman sa pang-aabuso at pananamantala sa mga menor de edad.

Nag-ugat ang kaso sa impormasyon na ibinigay ng National Crime Agency (NCA) sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) kaugnay sa Skype user na sekswal na nagsasamantala sa kanyang dalawang (2) menor de edad na anak, sa pamamagitan ng mga online show na may bayad.

Ang magkasanib na operatiba ng NBI-AHTRAD at NBI- Iligan District Office (ILDO) sa tulong ng NBI-Digital Forensic Laboratory (NBI-DFL) ay nagsagawa ng serye ng surveillance operations, na nagkumpirma sa mga ilegal na aktibidad ng suspek.

Sa pamamagitan ng isang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) na ipinagkaloob ng korte, isinagawa ang entrapment at rescue operation ng NBI-AHTRAD and NBI-ILDO, sa tulong ng NBI- North Eastern Mindanao Regional Office (NBI-NEMRO), NBI-DFL, DOJ-IACAT, Social Workers ng DSWD Region X, MSWDO Lala, Lanao Del Norte, Barangay Officials ng Magpatao Lanao Del Norte, at Non-governmental Organization (NGO) Destiny Rescue International.

Sa nasabing operasyon, naaresto ang ina ng mga na-rescue na mga biktima at kanyang kinakasama.

Nakumpiska rin ang mga articles/items na pakay sa warrant.

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 na may kaugnayan sa R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012); paglabag sa R.A. 11930 (Anti-Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials); at paglabag sa R.A. 7610 (Anti Child Abuse Law). Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLeBron, Davis bida sa panalo ng Lakers vs Thunder
Next articleTulak at parokyano nasakote sa P150K shabu sa Malabon