Home METRO 2 arestado sa Parañaque buy-bust ops

2 arestado sa Parañaque buy-bust ops

225
0

Nagsagawa ng buy-bust operations ang mga tauhan ng Parañaque police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspects Miyerkules ng gabi (Setyembre 6).

Base sa report na isinumite sa Southern Police District (SPD) ay nakilala ang mga nadakip na suspects na sina Raul Orin Soriano, 43 at Janice Alvarado, 41.

Ayon sa imbestigasyon ng Parañaque City police, naganap ang ikinasang operasyon ng SDEU dakong alas 10:30 ng gabi sa Unida St., Barangay Baclaran, Parañaque City.

Sa isinagawang operasyon ay naakareekober ang mga operatiba ng SDEU ng 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, isang kulay itim na coin purse at ang P500 buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A. 9165 ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police. (James I. Catapusan)

Previous articleConstruction worker na nasita sa yosi, timbog sa baril
Next articleMona, napaiyak sa regalo ni Ivana!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here