Home METRO 2 babae patay sa salpok ng trak

2 babae patay sa salpok ng trak

NEGROS OCCIDENTAL- Patay ang dalawang babae matapos mahagip ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo, iniulat kahapon sa Victorias City.

Kinilala ang mga biktimang sina Grace Telebrico, 23, ng Barangay 10, Victorias City, driver ng motorsiklo at angkas nitong si Julie Broce, 40, ng Barangay 21.

Kasalukuyan naman nakakulong sa lock-up cell ng Victorias City Police Station ang suspek at driver ng truck na si Jun Jun Onenia, 51-anyos, tubong-Cadiz at nakatira sa Silay City.

Ayon kay Police Major Joy Ellaga, deputy chief ng Victorias City Police Station, minamaneho ni Telebrico ang motorsiklo sakay si Broce at binabaybay ang kahabaan ng New Road Bgy. 13, ng nasabing lungsod.

Habang lumiliko sa kanang bahagi ang mga biktima ay bigla na lamang silang nasalpok ng truck dahilan para bumagsak ang mga ito sa kalsada.

Sa halip na sumuko ang suspek mabilis itong tumakas habang dinala naman sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin silang patay ng umatending doktor.

Ilang oras ang makalipas sumuko rin sa Police Station 6 sa Barangay Taculing, ang suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide. Mary Anne Sapico

Previous articleShort hair ni Sarah, hamon kay Richard?
Next articleCarla, nawindang sa wedding gown!